Biyernes, Nobyembre 14, 2014

Bawal

By Alexzon S. Colasito

Bakit, bakit hindi kita maaring mahalin
Kung ang puso ko at ang puso mo ay iisa
Kapag tayo'y magkasama

Ang hirap ng ganito
Hindi ninyo makita ang mga sarili niyo
Sa kamay ng isa't-isa
At nagmamahalan

Hindi ko masabi sayo
Kung ano ang nararamdaman ko
Sa hangin nalang ito ilulutang
Pagkat bawal na pag-ibig ang aking taglay

Na kahit mahalin man kita ay may kabayaran
Sa tulad kong nagmamahal
Na wala namang kasalanan
At kahit kailan hindi magiging tama
Kung pipiliin nalang kita ng basta

Ngayon ako'y lumuluha
Tanda ng aking pagmamakaawa
Sa hiling na tanging ikaw ang dalangin
Ngunit hanggang panaginip nalang yata
Ang pag-ibig na tila tapos na
Bago pa ito magsimula

Maniwala

By Alexzon S. Colasito

Puso ko'y di nagbibiro
Sinta ako ay di naglalaro
Sa pag-ibig mo'y ako ay uhaw
Buong katawan ko iyong saklaw

Hiling ko lang na ako'y paniwalaan
Upang mapawi ang iyong agam-agam
Dahil ako'y iyo aking mahal

Ang pag-ibig ko'y di magmamaliw
Mahal kita aking sinta
Mahal kita wala na po'ng iba
Maniwala po sana

Just a Text

By Alexzon S. Colasito

It was wrong for me to love you
A girl I barely even know
Just a text I fall
Now I cannot take control
Myself from loving you

I'm high like an addict
I didn't cared at all
I'm stupid and I was foolish
That all is just a game
 My heart is to blame

And where should I run
Now that everything is gone =(

Game

by Alexzon S. Colasito

You took my heart out
As I stare at your eyes
Wishing in my mind that you were mine

Your brown hair attracts me
Then I fall into an imagination
I can't swim

Drowning slowly
Can't breathe easy
In this game called
Falling in love =)

Poem

by Alexzon S. Colasito

I'm still waiting
Your call is wanted
I don't know what happened
I was taken for granted

I am lost in this place
Now I'm in a haze
Felt empty
And running out of time
Which my words had to rhyme

Linggo, Oktubre 26, 2014

May Maganda sa Jeep


10-23-2014
By Alexzon S. Colasito

Ako'y biglang napatingen sayo
Sa iyong kagandahan sa dulo
Sa jeep ni manong ang peg mo
Oh biglang hindi ka na maalis sa paningin ko

Trip kitang pagmasdan
Ngunit ayokong magpaalam
Gusto kitang lapitan
Para aking mapagmasdan
Ang itsura mo mula sa dulo ako'y napaparam

Hindi ko alam ang aking gagawin
Nagwawala ang aking damdamin
Ang sitwasyon natin ay isang masakit na tanawin
Bakit hindi kita magawang abutin

Isang malaking pagkakamali yata itong nangyayari
Ngunit hindi ito dapat maari
Ako'y malapit nang pumara
Bababa at hindi ka na makikita

Ang sakit
Na hindi ka makamit
Naiinis ako
Kung bakit ganito

Sabay banggit ko nang para
Pero parang ayokong bumaba pa
Hanggang sa huling hakbang ko sa jeep ni manong
Sa isep ko sana maulit ulit ito
Pero dapat magkatabi na tayo.